Bilang ng close contact sa Bontoc, Mt. Province na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 83

Sa nagpapatuloy na contact tracing ng Department of Health (DOH), umabot na sa 410 ang kanilang natukoy na nagkaroon ng close contact ng isang Pinoy mula sa United Kingdom na umuwi sa bansa at nagtungo sa Bontoc, Mountain Province.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sa bilang na ito ay 83 ang nagpositibo sa COVID-19.

Pero nilinaw ni Vergeire na kabilang na rito ang 12 na nagpositibo sa UK variant.

Ang nasabing UK traveler bagamat nagpositibo sa virus ay negatibo naman sa UK variant. Kaya naman patuloy ang imbestigasyon ng DOH kung paanong nakapasok ang UK variant sa Bontoc.

Samantala, sa La Trinidad, Benguet naman ay may 37 ng natukoy na close contact ng isang nagpositibo roon sa UK variant.

Sa bilang na ito ay 6 ang nagpositibo sa COVID-19.

Hindi pa naman matukoy kung mayroon sa kanilang may UK variant dahil nakapending pa ang resulta ng kanilang genome sequencing.

Madz Moratillo

Please follow and like us: