Bilang ng Healthcare workers na nasawi dahil sa COVID-19, umabot na sa 78

Medical workers prepare to take oropharyngeal swabs from residents during a mass testing for the COVID-19 coronavirus at a park in Quezon City, suburban Manila on April 15, 2020. (Photo by Ted ALJIBE / AFP)

Umabot na sa 78 Healthcare workers ang nasawi dahil sa COVID-19.

Sa datos ng Department of Healt (DOH), sa bilang na ito pinakamarami sa mga nasawi ay sa hanay ng mga doktor na nasa 31, sinundan ng mga Nurse na nasa 18, at Admin Staff na nasa 8.

May 3 Barangay Health worker naman ang nasawi, habang tig-dalawa sa hanay ng Nursing assistant, Utility at Hospital employee at tig-isa naman sa hanay ng mga Pharmacist at Caregiver.

Sa kabuuan ay umabot na sa 14,257 ang bilang ng mga Healthcare worker na tinamaan ng Covid-19.

Pero sa bilang na ito, 321 na lang ang aktibong kaso.

Nasa 13,858 sa kanila ang nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: