Bilang ng mga biktima ng paputok sa pagsalubong sa 2021 umabot na sa 116
Mayroon ng 116 fireworks related injuries na naita ang Department of Health sa pagsalubong sa 2021.
Batay na rin ito sa ginawang monitoring ng DOH mula 6am ng Disyembre 21 hanggang 5:59 am kahapon Enero 5, 2021.
Sa nasabing bilang, 115 ang biktima ng paputok habang hindi naman na nadagdagan ang isang naitalang biktima ng stray bullet.
Ayon sa DOH, mas mababa ito ng 72% o 295 cases kumpara sa kaparehong petsa noong pagsalubong sa 2020.
Mas mababa rin ito ng 80% sa nakalipas na 5 taon.
Mayorya sa mga nabiktima ng paputok ay mula sa National Capital Region.
Pinakamarami sa mga nabiktima ay dahil sa kwitis na umabot sa 31, sinundan ng luces; piccolo, fountain, baby rocket, boga, pla-pla at triangle.
Madz Moratillo