Bilang ng mga Health care worker na nagpositibo sa Covid-19, umabot na sa mahigit 12,000

Umabot na sa 12,721 Healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.


Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mula nitong nakaraang linggo, may 309 na bagong kaso ng virus infection sa hanay ng mga Health care workers ang nadagdag.


Pero sa bilang na ito, 12 417 na ang nakarekober mula sa sakit.


Dahil rito, nasa 228 na lamang ang bilang ng mga aktibong kaso ngayon sa hanay ng mga Medical Frontliners.


Nanatili naman sa 76 ang bilang ng mga Health care workers na nasawi dahil sa Covid-19.


Sa bilang na ito, pinakamarami ang doktor na nasa 31, sinundan ng nurse na nasa 18, ang Admin Staff ay 7, tatlo naman ang Barangay Health worker, tig-dalawa naman sa Nursing Assistant at utility, at tig-iisa naman sa hanay ng Pharmacist, Caregiver, Dietary staff at Hospital employee.

Madz Moratillo

Please follow and like us: