Bilang ng mga Healthcare workers na tinamaan ng Covid-19, mahigit 12,000 na

photo credit: pcoo.gov.ph

Umakyat na sa 12,021 ang bilang ng mga Healthcare workers ang tinamaan ng Covid 19.

Pero sa bilang na ito ayon sa Department of Health (DOH), 11,681 sa kanila ay nakarekober na mula sa virus.

Mayroon namang 265 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Healthcare workers.

Sa bilang na ito ay 126 ang mild cases, 106 ang asymptomatic, 18 ang severe, 11 ang kritikal at 4 ang nasa moderate condition.

Umakyat naman na sa 75 ang bilang ng mga nasawing Healthcare workers.

Ang 31 sa mga nasawi ay mga doktor, 17 ay mga nurse, 7 ay admin staff, 3 ang Barangay Health Worker, tig 2 naman sa hanay ng mga nursing assistant at utility, habang ang iba pang nasawi ay sa hanay naman ng mga pharmacist, caregiver, dietary staff, at hospital employee.

Madz Moratillo

Please follow and like us: