Bilang ng mga Medical Frontliner na tinamaan ng Covid-19, mahigit 19,000 na

Umakyat na sa 19,178 ang bilang ng mga Health worker na tinamaan ng COVID 19.

Sa datos ng Department of Health, ito ay matapos na may naitang 397 bagong kaso ng virus infection na nadagdag nitong nakaraang linggo.

Sa nasabing bilang, 18,966 naman ang nakarekober na mula sa sakit.

Nasa 115 naman ang bilang ng aktibong kaso sa mga medical frontliner.

Pinakamarami sa mga tinamaan ng Covid 19 ay mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistant.

May 97 naman sa hanay ng mga health worker ang nasawi dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: