Bilang ng mga nakarekober sa Covid-19 sa hanay ng PNP, umakyat na sa 27,366

Pumalo na sa 27,366 ang kabuuang mga gumaling sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ito’y matapos makapagtala ang PNP Health Service ngayong June 11, 2021 ng karagdagang 66 mga gumaling sa karamdaman.

Samantala, nakapagtala naman ng karagdagang 70 kaso ng virus infection kaya umakyat na sa 28,860 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa PNP.

Nanatili naman sa 77 ang death toll ng PNP sa Covid-19.

Please follow and like us: