Bilang ng mga namatay dahil sa COVID sa CALABARZON, higit 10K na

Lagpas 10,000 na ang pumanaw dahil sa COVID-19 sa CALABARZON.

Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON nitong Oktubre 7, kabuuang 10,307 pasyente na ang nasawi dahil sa sakit matapos madagdagan ng panibagong 91 pumanaw.

Umaabot naman sa 358,082 ang kabuuang nahawahan ng virus sa Region IV-A mula noong nakaraang taon matapos na magpositibo ang karagdagang 2,500.

Mula sa nasabing bilang, 36,760 na lang ang aktibong kaso habang 311,015 naman ang mga gumaling na COVID patients sa rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us: