Bilang ng mga nasasawi sa NCR Plus dahil sa COVID-19 bumababa na – DOH

Nilinaw ng Department of Health na bumababa na ang mga kaso ng naitatalang nasawi partikular sa National Capital Region Plus.

Paliwanag ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, bagamat nasa 210 ang kanilang naitalang nasawi kahapon dahil sa virus ay hindi naman ito nangyari sa isang araw lamang.

Ang 14 aniya rito ay nasawi noon pang Disyembre ng nakaraang taon, Enero at Pebrero ng taong ito.

Habang ang iba ay nasawi naman noong Marso, Abril at ang iba ay mga unang bahagi ng Mayo.

Ayon kay Vergeire, sa kanilang monitoring natukoy na mula Mayo 7 ay bumaba na ang bilang ng mga nasasawi sa NCR Plus.

Samantala, sinabi ng opisyal na nakitaan naman nila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infection ang Regions 2, 6,9,10,11.at 12 at maging Cordillera Administrative Region.

Maging ang Health care utilization rate aniya sa mga nasabing lugar ay nakitaan rin ng pagtaas.

Madz Moratillo

Please follow and like us: