Bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa Brazil, lampas 200,000 na

RIO DE JANEIRO, Brazil (AFP) — Lumampas na sa 200,000 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa Brazil, sa gitna ng nararanasang second wave ng virus.

May panibagong pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso, habang naitala naman ang ikalawang pinakamataas na bilang ng namamatay araw-araw, mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Ang Brazil ay nakapagtala ng 87,843 cases at 1,524 na ang namatay sa loob lamang ng 24-oras.

Umaabot na ngayon sa 200,498 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, ikalawa sa pinakamataas sa buong mundo sumunod sa Estados Unidos.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: