Biyahe ng MRT at LRT, suspendido dahil sa lindol

Itinigil ang biyahe ng LRT at MRT matapos ang nangyaring 6.7 magnitude na lindol kaninang 4:49AM na sinundan pa ng aftershock sa magnitude na 5.1 ganap na 4:57AM.

Kabilang sa tumigil ng operasyon ang LRT 1, LRT 2, at MRT 3.

Itutuloy lamang ang biyahe matapos makapagsagawa ng assessment kung walang naging pinsala ang mga istasyon at pasilidad ang nangyaring pagyanig at matiyak na ligtas sa mga biyahero ang pagsakay sa LRT at MRT.

Update: Balik operasyon na ang LRT at MRT matapos matiyak na walang naging pinsala ang lindol sa mga pasilidad nito.

Please follow and like us: