BOC, nakastigo kung bakit walang nakakasuhan sa mga bigtime smuggler

Nagisa na naman ang mga opisyal ng Bureau of Customs dahil hanggang ngayon ay walang nakakasuhan o naaresto na mga bigtime smuggler.

Kung pagbabatayan raw kasi ang datos ng BOC aabot na sa 486 ang nakasampang criminal at administrative charges laban sa mga umano’y smugglers ng agricultural products pero bakit walang maaresto at nakulong.

Kinuwestyon naman ni Senador Raffy Tulfo bakit tatlong linggo matapos mainspeksyon ng customs ang mga dumating na barko sa Subic, wala pa ring lumalabas na findings kung lehitimo o iligal ang kargamento.

Hinala niya baka may humihingi pa ng lagay.

Depensa naman ng Customs, ginagawa naman nila ang kanilang trabaho.

Natagalan daw dahil sa mga permit na hinahanap lalo na sa mga LGU.

Meanne Corvera

Please follow and like us: