Bocaue, Bulacan MTC sarado hanggang sa September 25

IMG_20200914_082811

Pansamantalang sarado mula ngayong araw, September 14 hanggang sa September 25 ang Bocaue, Bulacan Municipal Trial Court.

Sa memorandum ni Presiding Judge Myrna Lagrosa, sinabi na nagpositibo sa Covid-19 ang isang kawani ng hukuman batay sa resulta ng RT-PCR swab test nito.

Kaugnay nito, inatasan ang lahat ng court personnel na mag- work from home muna sa mga nasabing petsa habang pisikal na sarado ang Bocaue MTC .

Moira Encina