Bongbong – Sara ikakampanya ng DDS supporters

Nagdeklara na ng suporta sa tambalan nina Presidential aspirant Bongbong marcos at katandem nitong si Sara Duterte Carpio ang ibat ibang organization ng mga supporter nina Pangulong Duterte at Senator Christopher Bong Go.

Binubuo ito ng tatlong daang ibat ibang Duterte die hard supporters o DDS na nagsulong ng kandidatura ni Pangulong duterte noong 2016 presidential elections at supporters ni Go noong tumakbo itong Senador noong 2019.

Sa isang statement, sinabi ng grupo na sumama ang lets go sa Uniteam coalition dahil iniurong na ni Senador Bong Go ang kaniyang kandidatura sa pagka pangulo.

Tanggap na raw nila ang desisyon ni Go kaya naghanap sila ng mga kandidatong may maayos na track record at magsusulong at ipagpapatuloy ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon .

Nanumpa rin ang mga kinatawan ng DDS supporters para ikampanya ang tambalan nina BBM at Sarah Duterte.

May pahintulot umano ni Senador Go ang hakbang ng mga supporter.

Wala pang pahayag si Senador Go sa isyu.

Paglilinaw naman ng maybahay ni PDDS President Greco Belgica bagamat sinusuportahan na ang kandidatura ni Mayor Sara bilang vice presidential candidate wala pa raw desisyon ang PDDS kung si BBM rin ang i-eendorso.

Ang kampo ni BBM  nagpasalamat sa lumalawak na suporta sa kaniyang kandidatura.

Inianunsyo ni Abalos na nakakuha sila ng kopya ng survey ng OCTA research na nanguna na si BBM sa mga kandidato sa pagkapangulo.

Sa kabila nito hindi sila magiging kampante at tuloy ang pakikipag-alyansa sa iba’t-ibang political group at organizations.

Meanne Corvera

Please follow and like us: