Bonus at 13th month pay ng mga empleyado ng pamahalaan, tiniyak na matatanggap

Siniguro ng Malakanyang na matatanggap ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang bonus at 13th month pay sa gitna ng Pandemya ng Covid -19 sa bansa.

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na walang problema sa pondong gagamitin sa bonus at 13th month pay ng mga kawani ng pamahalaan.

Ayon kay Avisado, ang pondo para sa bonus at 13th month pay ng mga empliado ng gobyerno ay nakapaloob sa 2020 National Budget kaya nakalaan na ito bago pa man tumama ang Pandemya ng Covid-19.

Inihayag ni Avisado bago ang holiday season ay matatanggap na ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang bonus at 13th month pay.

Vic Somintac

Please follow and like us: