Boracay Island, ginawaran ng World Safe Travel stamp

Kinilala sa buong mundo ang isla ng Boracay bilang ligtas na puntahan ng mga turista.

Ito’y matapos gawaran ang pamosong isla ng safe travel stamp ng World Travel and Tourism Council (WTTC) kasunod ng Baguio city.

Ito ay bilang pagkilala sa global health protocol na ipinatutupad sa isla.

Nasa 11 hotel din ang ginawaran ng Department of Tourism (DOT) ng safe travel stamp.

Ang mga ito ay ang Le Soleil de Boracay, Discovery Shores Boracay, Shangri-la’s Boracay Resort, Hue Boracay, Wald’s Place, Amable Suites, Lime Hotel, The Lind Boracay, Movenpick Resort & Spa Boracay, Villa Caemilla Beach Boutique Hotel, at Belmont Hotel Boracay.

Sinabi ni DOT Western Visayas Regional Director Cristine Mansinares na ang sertipiko ay ibinigay noong Marso 2021.

Malaki aniya ang maitutulong nito sa ekonomiya ng isla ngayong unti-unti nang muling binubuksan ang bansa sa international market.

Please follow and like us: