Brgy Ginebra, nakauna ng panalo sa TNT Tropang Giga sa best-of-seven championship game, Philippine Cup

Courtesy: PBA

Nakaungos ang Barangay Ginebra sa kanilang best-of-seven PBA BUBBLE, Philippine Cup Championship game laban sa TNT Tropang Giga matapos ang 100-94 overtime period   sa Game 1 noong Linggo ng gabi sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

Isang  matinding layup ni Arvin Tolentino ang naghatid sa overtime period ng laro.

Naging mas matapang  ang Barangay Ginebra sa extra period  nang  umiskor sina Stanley Pringle at Japeth Aguilar upang bigyan ang kampo ng Ginebra ng  apat na puntos na kalamangan.

Sa kabilang dulo ay  nag-collapse  ang opensa ng TNT nang  sumablay sina Ray Parks at Simon Enciso sa kanilang three points .

 Si Japeth Aguilar ang nahirang na best player of the game na  gumawa ng 25 points at 16 rebounds, habang  si Pringle ay nag-ambag ng  24 points, 7 rebounds, at 7 assists.

Ipagpapatuloy ang PBA Bubble finals sa Miyerkules. na ang pangako ng mga players ni coach Bong Ravena ay babawi sila sa laban sa Barangay Ginebra.

Malou Aquino

Please follow and like us: