BRP Sindangan ng PCG, biyaheng Siargao island na para sa transport mission

Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard Commandant CG Admiral Leopoldo Laroya ang pagtatalaga ng mga barko ng PCG para magamit ng mga residente at turistang patungo sa Surigao city.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade.

Inaasahang mamayang hapon darating na ang barko sa Siargao island para ibiyahe ang mga na-stranded na pasahero.

Kasalukuyan ding nakikipag-ugnayan ang PCG sa malalaking shipping companies sa bansa para mag-request ng passenger vessels na maaaring magamit sa isla para sa malawakang transport mission.

Please follow and like us: