BuCor Chief Gerald Bantag naka-rekober na mula sa Covid-19

Gumaling na mula sa Covid -19 si Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at ang apat na iba pang staff nito.

Kabilang sa mga naka-rekober na mula sa sakit si BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag.

Nakaranas ng mild to moderate symptoms sina Bantag sa nakaraang tatlong linggo.

Batay sa resulta ng swab test na isinagawa sa mga opisyal noong Lunes at Martes, negatibo na sila sa Covid.

Ayon pa sa BuCor PIO, aabot na lamang sa 23 ang aktibong kaso ng Covid sa BuCor kung saan walo ay inmates at 23 ay personnel.

Moira Encina

Please follow and like us: