BuCor, tiniyak na papatawan ng parusa ang mga nasa likod ng panibagong riot sa Bilibid

Kinumpirma ng Bureau of Corrections na nagkaroon ng panibagong insidente ng riot sa New Bilibid Prison.

Ayon sa BuCor Public Information Office, nangyari ang kaguluhan bandang alas-8:39 ng umaga sa Maximum Security Compound.

Wala pang inilabas na impormasyon ang BuCor kung ilan ang sugatan sa insidente at kung sinu-sino ang mga sangkot.

Pinalikas din ang mga BuCor personnel mula sa National Headquarters para matiyak na hindi sila madadamay.

Agad naman idineploy sa lugar ang mga tauhan ng BuCor, PNP-SWAT, PNP-SAF, at BFP.

Inilagay din sa red alert ang lahat ng penal colonies ng BuCor.

Tiniyak ng pamunuan  ng Bucor na papatawan ng disiplina ang lahat ng mga dawit sa riot.

Noong Oktubre ay sumiklab din ang kaguluhan sa Bilibid sa pagitan ng Commando at Sputnik gangs na ikinamatay ng siyam na inmates at ikinasugat ng pitong iba pa preso.

Moira Encina

Please follow and like us: