Bulgari, nanakawan ng 10 million euro jewel sa Paris

Pinasok ng isang grupo ng magnanakaw ang Bulgari store sa Place Vendome sa Paris, kung saan tinangay ng mga ito ang mga alahas na nagkakahalaga ng 10-million euros o 12-million dollars.

Dalawa sa mga suspek ang naaresto, matapos makipaghabulan sa mga pulis.

Tanghali nang mangyari ang panloloob, kung saan agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng pulisya.

Ang mga suspek ay tumakas lulan ng isang grey na BMW at dalawang scooters, kung saan isa ang nahuli matapos mabaril ng pulis sa kaniyang binti.

Kalaunan ay inabanduna ng mga suspek ang BMW, at isa pa sa kanila ang naaresto habang nagtatago sa isang car park sa Les Halles shopping center, malapit sa Louvre museum at Notre-Dame.

Please follow and like us: