Bureau of Customs, tiniyak na walang magiging delay sa mga Balikbayan Box ngayong Holiday season

Tiniyak ng Bureau of Customs na walan delay sa pagpapalabas ng mga Balikbayan box lalu na ngayong Disyembre kung kailan marami sa mga OFW ay nagpapadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Sinabi ni Assistant Commissioner Atty. Jet Maronilla na bagamat may mga ilang isyu pa rin ay mas kaunti na lang ang problema sa pagpapadala ng mga Balikbayan box.

Ito ay dahil aniya sa bagong systema kung saan maari nang ma- track ang balikbayan box sa pamamagitan ng kanilang website.

Sinabi ng opisyal nakailangan lamang na ilagay sa kanilang website ang tracking number na ibibigay ng kanilang forwarder at maari nang ma-monitor ng nagpadala ang kanyang balikbayan box, real time.

Sa oras aniya na magkaroon ng problema ang sino man ay maaring tumawag sa kanilang customer care hotline na 8484 nang kanilang maasikaso ang nasabing abala. 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: