Bureau of quarantine , problemado sa nag -uunahang kumuha ng yellow vaccination card

Nakikiusap ang Bureau of Quarantine o BOQ sa mga kukuha ng Yellow Vaccination Card na paunahin muna ang mga mas nangangailangan o iyong mas malapit na ang scheduled flight.

Ito ang apela ni BOQ Director Roberto Salvador Jr. sa gitna ng nararanasang pahirapan sa pagbo-book ng slot para sa pagkuha ng Yellow Vaccination Card.

Sa Laging Handa media briefing hinikayat ni Salvador ang mga biyaherong wala pa namang Overseas Employment Certificate o flight confirmation na huwag munang makipag-unahan sa pagkuha ng Yellow Vaccination Card.

Ang Yellow Vaccination Card ang official vaccination certificate na iniisyu ng BOQ para sa mga pinoy na lalabas ng bansa upang patunayan na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID 19.

Vic Somintac

Please follow and like us: