Business at tourist visa appointments sa US Embassy, kanselado hanggang Enero 31

Inanunsiyo ng US Embassy sa Maynila na kanselado hanggang Enero 31, 2022 ang business/ tourist visa interview appointments.

Ang kanselasyon ay dahil sa muling pagdami ng kaso ng COVID- 19 sa bansa at mga pandaigdigang hamon dala ng pandemya.

Sa abiso ng US Embassy, sinabi na maaaring ire-schedule ng mga aplikante ang visa interview sa oras magbalik ang routine business and tourism (B1/B2) visa services sa pamamagitan ng pagtawag sa call center ng embahada o online appointment system.

Walang bayad sa pagbabago ng appointment at ang validity ng visa fee payment o MRV ay extended hanggang September 20, 2023.

Moira Encina

Please follow and like us: