Business tax payments, pinalawig sa bayan ng Diffun

Sa bisa ng Sangguniang Bayan (SB) Resolution No. 109 series of 2020, ay pinalawig ng Lokal na Pamahalaan ng Diffun, sa Aurora ang pagbabayad ng mga negosyante sa kanilang mga buwis sa negosyo.

Layunin ng nasabing resolusyon na makaagapay ang mga negosyante sa pagbabayad ng amoroso para sa kanilang mga negosyo, nang walang karagdagang multa o interes hanggang Pebrero bente sais ng taong kasalukuyan.

Labis naman itong ikinatuwa ng mga business taxpayer, dahil magkakaroon na sila ng sapat na silang panahon upang makapag-ipon ng karagdagang pambayad lalo pa at lubhang matumal ang kanilang mga negosyo sa panahong ito.

Ulat ni Edel Allas