Byahe ni Pangulong Duterte sa Japan, posibleng sa Nobyembre na ituloy

0
digong2

Courtesy of Wikipedia.org

Posibleng sa Nobyembre na isagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagbisita sa Japan.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano matapos  kanselahin ng Pangulo ang nasabing foreign trip na itinakda sana ngayong Hunyo dahil sa kaguluhan sa Marawi City.

Maraming mga nakatakdang pag-uusap ang inihanda sana sa gagawing pulong ni Pangulong Duterte sa lider ng Japan.

Umaasa rin ang kalihim na agad na matatapos ang kaguluhan sa Marawi para maipagpatuloy ang magandang ugnayan sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *