CA Justice Jhosep Lopez itinalaga na bagong mahistrado ng Korte Suprema

Mayroon nang bagong mahistrado ang Korte Suprema

Ito ay si Court of Appeals Associate Justice Jhosep Lopez.

Pinalitan ni Lopez sa pwesto ang nagretirong SC Justice Priscilla Baltazar- Padilla.

Nagtapos ng abogasya si Lopez sa UP College of Law at nakapasa sa bar examinations noong 1984.

Bago maitalaga sa CA noong 2012 ay nagsilbi si Lopez bilang City Prosecutor ng Maynila.

Naging chief legal counsel din siya ng Senado at konsehal ng ikatlong distrito ng Maynila mula 1992 hanggang 1998 at 2001 hanggang 2006.

Moira Encina

Please follow and like us: