CALABARZON nakapagtala ng 175 bagong kaso ng COVID-19

Nadagdagan ng 175 bagong kaso ng COVID-19 ang CALABARZON habang may 186 bagong recoveries.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON.

Dahil dito, umaabot 15,366 ang aktibong kaso ng sakit sa Region IV-A.

Bumaba ito nang bahagya kumpara sa tala ng DOH CALABARZON noong June 19 na 15,382 active cases.

Sa kabuuan, 181,862 ang kumpirmadong nahawahan ng virus sa rehiyon mula noong nakaraang taon habang mahigit 161,000 ang gumaling na.

May naitalang bagong pumanaw na lima kaya nasa 5,300 na ang kabuuang namatay dahil sa COVID sa rehiyon.

Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad sa publiko na mahigpit na sundin ang minimum health protocols bilang pag-iingat laban sa COVID.

Moira Encina

Please follow and like us: