CALABARZON nakapagtala ng mahigit 2,400 COVID-19 recoveries

Nadagdagan ng mahigit 2,400 ang gumaling na COVID-19 patients sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 124,414 na ang COVID recoveries sa rehiyon matapos madagdagan ng 2,473.

Nasa 1,500 naman ang bagong kaso ng virus sa Region IV-A habang may 36 na bagong pumanaw dahil sa sakit.

Dahil dito, aabot sa 22,590 ang aktibong kaso pa ng COVID sa CALABARZON.

Pangalawa ang CALABARZON kasunod ng NCR pagdating sa kabuuang bilang ng COVID cases at mga bagong naitalang kaso sa nakalipas na 14 na araw sa bansa.

Moira Encina

Please follow and like us: