Calamba City Laguna Mayor Justin Chipeco, tiniyak na maipamamahagi ang ayuda sa kanilang lungsod

Tiniyak ni Calamba City Mayor Justin Chipeco na mabibigyan ng ayuda ang mga residente nito sa lungsod na apektado ng ECQ. 
Humingi na rin ng pang-unawa ang alkalde sa publiko kung bakit nagkaroon ng delay sa distribusyon ng ayuda. 
Ayon kay Chipeco, hinihintay na lamang umano ng kaniyang tanggapan ang DSWD na siyang nag aayos ng financial assistance. 
Sinabi pa ng alkalde na isinasaayos na rin ng kaniyang tanggapan ang listahan ng mga mabibigyan ng ayuda. 
Inaasahan rin ng opisyal na sa linggong ito o sa susunod na linggo ay maipamahagi na ang ayuda na inilaan ng national government para sa mga taga calamba laguna.

Please follow and like us: