Caliraya Dam, malapit nang umapaw

Malapit na sa spilling level ang Caliraya Dam dahil sa malakas na pag-ulan.

Dahil dito ay nagpalabas na ng abiso ang National Power Corporation sa provincial at municipal disaster action officers sa buong Laguna na maging alerto para sa posibleng pag-apaw ng tubig sa nabanggit na dam, at agad itong ipaalam sa mga naninirahang malapit sa tabing ilog.

Sa pinakahuling update ay umaabot na sa 287.72 meters ang tubig sa Caliraya Dam, na kaunti na lamang ang agwat mula sa 288 meters na spilling level nito.

Caliraya Dam Advisory
Please follow and like us: