Caravan para sa pambato ng PDP-Laban, ilulunsad na

Ilulunsad na ng ruling party na Partido Demokratiko PIlipino (PDP-Laban) ang kanilang caravan para sa kandidatura ng kanilang mga pambato sa eleksyon na sina Senators Ronald Dela Rosa at Christopher Bong Go.

Ayon kay Atty. Melvin Matibag, Secretary-General ng partido, ang caravan ng tambalang Ba-Go para sa May 2022 ay ilulunsad sa Visayas at Mindanao ngayong linggo.

Naniniwala ang partido na mas malaki ang bentahe nina Dela Rosa at Go dahil bukod sa hindi sila galing sa pamilya ng mga kilalang pulitiko o dinastiya, kapwa sila bago at galing sa Mindanao.

Sabi ni Matibag, batay sa kanilang natatanggap na report, mainit ang pagtanggap ng publiko kay Dela Rosa.

Wala aniyang problema kung nasa ilalim ito ng survey dahil hindi naman survey ang batayan ng publiko sa kanilang pagboto.

Meanne Corvera

Please follow and like us: