Carranglan, Nueva Ecija Municipal Trial Court pisikal na sarado hanggang sa October 6

Inatasan na sumailalim sa mahigpit na 14-day quarantine ang buong staff ng Carranglan, Nueva Ecija Municipal Trial Court.

Ito ay matapos ang kanilang exposure sa presiding judge na nagkaroon ng direct contact sa isang tauhan na namatay dahil sa Covid-19 at nakasalamuha ng isa pang kawani na nagpositibo sa virus.

Pinayuhan ang mga empleyado sa istriktong sundin ang home quarantine at iulat agad sa Municipal Health Office o Clerk of Court kung makaranas sila ng sintomas ng sakit.

Kaugnay nito, ipinagutos din ni Judge Marjorie Maranan-Dempsey na pisikal na isara ang MTC hanggang October 6, 2020.

Tuloy ang operasyon ng hukuman sa pamamagitan ng kanilang hotlines.

Work from home muna rin ang mga court personnel.

Moira Encina

Please follow and like us: