Cash prizes para sa Covid-19 Bakunado Panalo program, inilunsad ng pamahalaan sa Clark, Pampanga

Naglaan ang pamahalaan ng insentibo para sa mga indibidwal na bakunado na at mapalad na mabubunot sa inilunsad na BAKUNADO PANALO program.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque nasa 100 winner ang makakakuha ng 100,000 piso para sa mga mapalad na mabubunot sa monthly draw.

Ayon kay Roque isang milyon naman ang tatanggapin ng masuwerteng mabubunot na bakunado sa grand draw.

Inihayag ni Roque puwedeng magpasok ng hanggang anim na entry ang isang fully vaccinated na indibidwal.

Department of Health ang mangangasiwa sa monthly at grand draw.

Libre ang registration at para makasali i- type lamang RESBAKUNAREG space/ name /age/address at isend sa 8933 para sa step1.

Para sa step 2, mag text sa resbakuna space i- type ang 1st letter ng vaccine brand / pang ilang dose/ LGU/ petsa ng bakuna at isend sa 8933.

Piso lang ang kada text padala para sa nasabing promo.

Kabuuang tatlong milyong piso ang inilaang pa- premyo para sa BAKUNADO PANALO.

Layunin ng BAKUNADO PANALO program na mahikayat ang maraming mamamayan na magpabakuna para makuha na ang herd immunity at matapos na ang Pandemya ng COVID-19 sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: