Casualties sa Bagyong Quinta ,umabot na sa 16

Umaabot na sa labing anim katao ang patay sa pananalasa ng bagyong Quinta.

Batay sa report ng NDRRMC sa CALABARZON, dalawa sa mga biktima ay naitala sa San pablo Laguna at Sitio Munting ilog sa Quezon  na kapwa nadaganan ng bumagsak na puno.

Sa mimaropa, Isa sa mga namatay ay sa Mogpog Marinduque na nalunod habang ang isa pa ay sa Torrijos marinduque na nalunod naman matapos rumagasa ang tubig baha.

Isang babae rin ang nadaganan ng bumagsak na puno sa Puerto Galera sa Mindoro at isa rin sa Corong El Nido sa Palawan habang tatlong iba pa ang nalunod sa Occidental Mindoro at Odiongan sa Romblon.

Sa region 5, dalawang lalaki naman ang nalunod sa Bacacay sa Albay at tatlong iba pa sa Catanduanes.

Sa Region 7 dalawa rin ang nalunod sa Canaway at  Bindoy sa Negros Oriental.

Samantala , 22 indibudwal naman ang naitalang nasugatan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Habang apat pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng search and rescue teams.

Meanne Corvera

Please follow and like us: