Caticlan Jetty Port sa Malay, Aklan balik Operasyon na

Balik operasyon na ang biyahe ng  iba’t-ibang sasakyang pandagat sa Caticlan Jetty port sa Malay, Aklan.


Ito ay matapos na payagan ng Philippine Coast Guard o PCG na makapaglayag ang mga bangka sa lalawigan dahil sa maaliwalas nang panahon. 


Matatandaang naapektuhan ang operasyon ng Jetty Port ng Caticlan dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta sa lalawigan nitong mga nakaraang araw.


Nagsimula na rin ang biyahe sa dagat, mula Caticlan Jetty Port papuntang Batangas, Mindoro, at Romblon, gayundin papuntang Boracay, at pabalik ng Caticlan.

Ulat ni Lads Ventura

Please follow and like us: