Cavite City Hall of Justice naka-lockdown hanggang October 7 matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilang kawani

Sarado ang lahat ng tanggapan sa Cavite City Hall of Justice hanggang sa October 7 makaraang mag-positibo sa Covid- 19 ang ilang empleyado.

Kaugnay nito, iniutos din ni Cavite City RTC Executive Judge Franco Paulo Arago ang pagsasagawa ng disinfection sa buong Hall of Justice at contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga Covid positive na kawani.

Maaari namang kontakin ang mga branches ng MTCC at RTC sa pamamagitan ng kanilang email addresses at hotlines.

Samantala, half-day lang ang pasok ng mga kawani sa Tayug, Pangasinan Hall of Justice nitong Huwebes para sa disinfection ng gusali.

Nabatid na nagka- Covid ang isang abogado na dumalo sa mga pagdinig sa Hall of Justice noong September 15 at 16.

Moira Encina

Please follow and like us: