Certificate of Appreciation ipinagkaloob ng Trece Martires City LGU sa mga empleyado nitong nakasampung taon na sa serbisyo.

Binigyan ng Certificate of Appreciation ang mga empleyado ng City Government of Trece Martires nakapagserbisyo na ng 10 taon.


Kasama din sa mga binigyan ng pagkilala ng City Government of Trece Martires ang mga retirees na nagserbisyo ng mahigit kumulang na 30 taon. 
Bukod sa Certificate of Appreciation ay binigyan din ang mga naturang empleyado ng cash incentives.

 
Ayon kay Trece Martires City Mayor Gemma Lubigan, marapat lamang aniya na sila ay pasalamatan sa sakripisyo at dedikasyon nila sa paglilingkod para sa bayan.


Umaasa din ang alkalde na tutularan ito ng iba pang empleyado ng kanilang munisipyo ang magandang katangian ng mga ito para sa ikabubuti ng lahat. 

Ulat ni Jet Hilario

photo courtesy: Mayor Gemma Lubigan
Please follow and like us: