CHED Chairman Prospero de Vera III, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa Covid-19 si Commissioner on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera III, na nakararanas lamang ng mild symptoms.

Sinabi ni de Vera na natanggap niya ang resulta noong Biyernes, at pinayuhan ang mga nakipag-ugnayan sa kanya na mag-self quarantine.

Aniya, bahagi ng CHED safety protocol ang ginawa niyang pagpapatest.

Hinikayat din nya ang publiko na magpabakuna.

Si de Vera ay isa lamang sa mga opisyal ng pamahalaan na nagpositibo sa Covid-19, gaya nina Agriculture Secretary William Dar, AFP Chief Andres Centino at PNP Chief Dionardo Carlos.

Please follow and like us: