Chief Justice Gesmundo tinanggap ang imbitasyon na pangasiwaan ang panunumpa ni PBBM

Kinumpirma ng Korte Suprema na si Chief Justice Alexander Gesmundo ang mangangasiwa sa panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office Chief Atty. Brian Keith Hosaka, tinanggap ni Gesmundo ang imbitasyon ng kampo ni Marcos na ito ang magpanumpa rito bilang susunod na pangulo.

Gayunman, nilinaw ni Hosaka na ang inagurasyon ay event ng sangay ng ehekutibo.

Dahil dito, wala aniyang bahagi ang Supreme Court sa paghahanda para sa inagurasyon sa June 30.

Moira Encina

Please follow and like us: