China, nakapagtala na ng unang kaso ng Coronavirus new variant

Nakapagtala na rin ang China ng kanilang unang kaso ng bagong Coronavirus variant na unang natuklasan sa United Kingdom.

Ayon sa Chinese Center for Disease Control, na-detect ang sakit sa isang 23-anyos na babae mula Shanghai na nagbiyahe mula Britanya noong December 14.

Dinala sa ospital ang pasyente matapos makitaan ng mild symptoms ng virus.

Dece,ber 24 nang magsagawa ng Genetic sequencing ang mga Health experts sa test samples ng pasyente dahil sa travel history nito sa UK at abnormalidad sa Nucleic Acid test results.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng Contact tracing ang mga otoridad.

Una nang sinuspinde ng China ang direct flights papunta at manggagaling sa Britanya dahil sa bagong strain.

Please follow and like us: