CIA, nagtanggal ng hindi tukoy na bilang ng mga bagong opisyal

0
CIA, nagtanggal ng hindi tukoy na bilang ng mga bagong opisyal

The seal of the Central Intelligence Agency is shown at the entrance of the CIA headquarters in McLean, Virginia, in September 2022. Evelyn Hockstein/Reuters

Sinisante ng Central Intelligence Agency (CIA), ang hindi matukoy na bilang ng mga bagong hire nilang tauhan, ayon sa tatlo kataong pamilyar sa nasabing bagay, pagsibak na ibinabala ng kasalukuyan at dating US intelligence officers na nagbabantang makasira sa US national security.

Ang nangyaring pagtatanggal sa ilalim ng bagong CIA Director ni US President Donald Trump na si John Ratcliffe, ay nangyari habang nagsasagawa rin si Trump ng pagbabawas sa workforce na pinangasiwaan ng bilyonaryong si Elon Musk at ng kaniyang Department of Government Efficiency (DOGE).

Ang bagong hires ng CIA na kilala bilang probationary employees, ay nagtatrabaho sa ilang bilang ng mga posisyon at nasisante dahil sa isyu sa performance, ayon sa isang indibidwal na pamilyar dito. Tumanggi naman ito na sabihin kung ilan ang natanggal ngunit sinabing marami-rami rin.

Sinabi ng isang CIA spokesperson, “At CIA, we are reviewing personnel within their first two years of service at the Agency. For some personnel, that process will result in termination. Our officers face unique pressures from working in situations that are fast-paced and high-stakes. It’s not for everyone.”

Subalit sa ibang mga ahensiya, ang federal workers na inalis dahil sa umano’y “poor performance” na bahagi ng “remaking” ni Trump sa federal government, ay nakatatanggap ng “excellent performance” bago sila natangga;, ayon sa mga panayam at dokumentong nakita ng Reuters.

Ang probationary employees na na-terminate ay nasa dalawang taon o wala pa, na nagtatrabaho sa ahensiya.

Ang mga pagsibak ay unang iniulat ng New York Times.

Sinabi ng isang taong pamilyar sa naturang bagay ay nagsabing hindi naimpormahan ang mga miyembro ng House at Senate intelligence committees, kaya sa susunod na mga araw ay hihingi ang mga miyembro ng House at Senado ng dagdag pang impormasyon mula sa ahensiya ayon pa rin sa taong ayaw magpakilala.

Ang pagtatanggal sa CIA probationary employees ay nagsimula sa mga unang bahagi ng linggong ito, makaraang pagpasyahan ng isang federal judge sa Eastern District ng Virginia ang isang demanda na kinasasangkutan ng mga opisyal na pansamantalang nakatalaga sa diversity initiatives sa Biden administration. Ang pasya ay nagpapahintulot sa CIA na magtanggal ng mga empleyadong nais nilang alisin.

Anumang large-scale firing ng CIA officers, kahit yaong mga probationary lamang, ay maaaring makaapekto sa intelligence collection at analysis efforts ng ahensiya.

Sinabi ng isang US intelligence official, na ayaw magpakilala, na ang pagtatanggal kapag nagpatuloy pa, ay aabutin ng taon bago mabawi dahil kakailanganin ng panahon at pagsisikap para sa recruitment at training ng mga bagong CIA officer.

Aniya, “We need a constant flow of officers in the training pipeline to fulfil our mission. A gap like this would cause irreparable damage to our ability to conduct our essential national security missions for years to come.”

ayon kay Daniel Hoffman, isang dating senior CIA clandestine services officer, na alam niya ang tungkol sa sibakan pero hindi niya alam ang mga detalye.

Nagpahayag din siya ng labis na pangamba sa epekto ng mga dismissal, sa pagsasabing maaari nitong masira ang US national security sa pamamagitan ng pagtatanggal sa isang henerasyon ng intelligence officers na gumugol ng taon bago na-recruit at nasanay.

Dagdag pa nito, “Staff cuts under the former Clinton administration decimated the intelligence community and then we had the 9/11 attacks, and we were caught flat-footed. So, what are the savings here and what are the risks we are running by lopping off the next generation of hires?”

noong isang buwan ang CIA, sa direktiba ng White House, ay nagrepaso sa kanilang mga tauhan at nagpadala ng email pabalik sa Office of the Personnel Management (OPM), kasama ng listahan ng probationary employees. Sa talaan ay naroroon ang first initials at last names.



Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *