City Gov’t ng Calamba, Laguna, nakaalerto na sa pananalasa ng Bagyong Rolly ngayong araw

Nakaalerto na ng City disaster risk reduction management office ng Calamba Laguna kasama ang 54 na mga barangay na nasasakupan nito dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong rolly sa lalawigan ngayong araw. 


Tatlong araw bago manalasa ang bagyo sa Calamba ay nagsagawa na ng information disimenation ang mga opisyal ukol sa panganib na dala ng bagyo lalo na’t isa na itong Super Typhoon. 


Inihanda na rin ng siyudad ang mga rescue equipment at maging ang mga evacuation center na paglalagakan ng mga ililikas lalo na ang mga nasa flood prone area at mga residente na nasa tabi ng ilog. 


Humihingi naman ng kooperasyon ang mga opisyal ng city govt of calamba sa publiko na makipagtulungan sa kanila lalo na at kapag ipinatupad na ang pre emptive o force evacuation sa kanilang lugar.

Ulat ni Jet Hilario

Calamba City Hall
Please follow and like us: