Comelec employees union nagpahayag ng suporta para sa confirmation ni Chairman Saidamen Pangarungan

Naglabas ng manifestation of support ang Commission on Elections Employees’ Union bilang suporta para sa confirmation ng kanilang Chairman na si Saidamen Pangarungan.

Ang manifestation of support ay pirmado ng kanilang National President na si Mark Christopher Ramirez.

Ang Comelec Employees Union ay binubuo ng mahigit 5,000 rank-and-file employees ng poll body sa buong bansa.

Ayon sa kanila, sa maikling panahon na nakasama nila si Pangarungan ay nakita nila ang abilidad nito para pamunuan ang Komisyon.

Katunayan din anila ang maayos at naging matagumpay na halalan sa gitna ng Covid-19 Pandemic.

Madz Moratillo

Please follow and like us: