Comelec, iginiit na wala silang kinomisyon o sinalihang anumang Transparency survey

Nilinaw ng Commission on Elections na wala silang kinomisyon o sinalihang anumang Transparency survey.

Ginawa ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang pahayag kasunod ng kumakalat sa social media na SWS Trust Approval Rating umano na pumapabor sa isang mayoralty candidate sa Pasig City.

Sa nasabing infographic, nakasaad na ang source ng transparency survey ay ang Comelec.

Binigyang diin ni Jimenez na bilang bahagi ng kanilang polisiya, iniiwasan ng Comelec ang mga ganitong bagay para maipakita na wala silang kinikilingan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: