COMELEC, naabot na ang target na bilang ng bagong registered voter

Ilang araw bago ang deadline ng voter registration, ipinagmalaki ng Commission on Elections na naabot na nila ang kanilang target na bilang ng bagong botante.

Sa datos mula sa Election and Barangay Affairs Department ng Comelec, hanggang nitong Hulyo 20, may mahigit 2.1 milyong bagong botante ang nagpatehistro.

Sa bilang na ito, 1.3 milyon ang nasa edad 15-17 anyos, mahigit 680 libo ang nasa edad 18-30 anyos, at mahigit 112 libo ang nasa edad 31 anyos pataas.

May mahigit 673 libo naman ang naghain ng application para sa transfer, reactivation, at correction.

Ang voter registration ay tatagal hanggang bukas Hulyo 23.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: