Comelec, nilinaw na walang nangyaring dagdag-bawas sa transmission ng resulta ng halalan

0
photo_2025-05-13_15-40-39

COMELEC Chairman George Garcia

Walang nangyaring dagdag-bawas sa resulta ng eleksiyon.

Ito ang binigyang-diin ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, sa isang pulong balitaan bago muling nagconvene ang National Board of Canvassers.

Ang paliwanag ng Comelec ay matapos na may ilang kandidato ang sinasabing nabawasan ng milyun-milyong boto kaninang alas dos ng madaling araw.

Sabi ni Garcia, hindi dagdag-bawas ang nangyari kundi hindi lang agad nalinis ng ilang media entity na nakakonekta sa server ang kanilang natanggap na datos mula sa Automated Counting Machine, dahil hindi nila agad na-i-up ang program.

Ayon kay Garcia, “Ang Comelec, real time kami. Kung anong galing sa presinto automatic na real time kami. Automatically converted sa human readable. Nababasa agad anong boto, anong resulta ng human readable. Sa NAMFREL media entity, di siya human readable, kelangan i-proseso kasi data pinapadala ng machine readable, so kelangang i-proseso.”

Paliwanag ni Garcia, sa mga ginawang meeting kasama ang mga kumonekta sa server, dapat mayroon silang programa.

Ani Garcia, “So sa 15-minutes na matanggap ng mga entity, may delay ng konti kasi ipa-process pa.”

Dagdag pa ng opisyal, real time ang inilalabas na bilang ng Comelec na makikita sa kanilang website.

Puwede aniya itong tingnan mismo ng publiko. Iyon nga lang ay hindi siya naka-tally gaya nang inilalabas ng media entity, dahil per precint ang election return na makikita sa kanilang website.

Madelyn Villar-Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *