Comelec puspusan na ang paghahanda para sa plebisito sa Maguindanao

Puspusan na ang preparasyon ng Commission on Elections para sa gagawing plebisito na layong hatiin sa dalawang probinsya ang Maguindanao.

Ang plebisito ay nakatakda sa Setyembre 17, 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Kaugnay nIto, sinabi ni Comelec spokesperson Atty John Rex Laudiangco na nagsimula nang pumunta sa Maguindanao ang ilan sa kanilang team.

Nabatid na may 818,790 ang Registered Voters na inaasahang lalahok sa plebisito.

Target aniya nilang malaman ang resulta nito hanggang Setyembre 18 pero depende ito sa
transmittal ng Plebiscite Returns mula sa Plebiscite Committees patungo sa Plebiscite Board of Canvassers.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: