Commemorative cover nina PBBM at VP Sara,inilabas na ng PHLpost

Naglabas ng commemorative cover nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte ang Philippine Postal Corporation.

Ayon sa PHLPost, inilabas ito noong Hunyo 30 kasabay ng inagurasyon ni Pangulong Marcos.

Sa commemorative cover ni PBBM, makikita ang kanyang larawan at imahe ng Malacañang Palace.

Habang kay VP Sara naman ay makikita ang larawan nito, Monument of Peace and Unity sa Davao City, at imahe ng agila.

Matatandaang noong panahon ng kampanya, si VP Sara ay tinaguriang Agila ng Davao.

Ayon sa PHLPost, unang batch palang ng commemorative covers ni PBBM at VP Sara ay sold out agad.

Maliban rito, maglalabas rin umano ang PHLPost ng commemorative stamps ng inagurasyon ni PBBM at VP Sara.

Sa oras na maging available na ulit, maaaring mabili ang mga ito sa post shop ng Manila Central Post Office.

Ang commemorative cover ay nagkakahalaga ng 30 pesos.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: