Community Pantry suportado ni Calamba City Vice Mayor Roseller Rizal

Suportado ni Calamba City Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal ang Community Pantry na inilunsad sa kanilang lungsod.

Ayon sa bise-alkalde, isang uri aniya ito ng pagpapakita ng pakikipagkapwa tao at bayanihan sa kanilang lugar para sa mga kababayan nilang lubos na nangangailangan ng tulong ngayong patuloy na umiiral sa bansa ang pandemiyang hatid ng Covid-19.

Pinasalamatan din ng bise-alkalde ang mga organizer ng Community Pantry sa Calamba Laguna sa pangunguna ni Ms. Nancy Dimaranan.

Nagpaabot na rin ng mga donasyong gulay, de-lata at iba pang pagkain ang bise-alkalde para maipamigay sa mga kababayan nilang kapos-palad.

Umaasa naman ang opisyal na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan at taimtim na pananalangin ay makakabangon ang Calamba City at maging ang bansa sa pandemiyang idinulot ng Covid-19.

*Mga larawan mula kay Ms. Perry Ledesma

Please follow and like us: